Me AGAINST everything else.

Monday, August 06, 2007

DECAFFEINATED

Di ko maiwasang maramdaman na marami akong mga bagay na di nagawa nang tama. Marami akong napalagpas na mahahalagang mga sandali. Marami akong hindi nakita't nakausap ng matagal na panahon. Marami akong nagawa at ginagawa, maraming nangyari at nangyayari, maraming nakilala at makikilala. Gusto kong balikan ang masasarap na tawanan, ang malayang palitan ng mga salita, ang mga ngiti, mga pamilyar na mukha, ang mga biglaang mga desisyon, mga di inaasahang mga pangyayari, ang pagiging malaya at bata. Ang pagiging ako.

Sa mundong ginagalawan ko ngayon, walang tunay na nakakakilala sa akin, kahit mismo ako nawawalan na ng panahon para kilalanin ang sarili. Sa mundong ginagalawan ko, ang kasiyahan ay panandalian, hindi tumatagal, ang corny. Sa mundong ginagalawan ko ngayon, di ko talaga naiintindihan ang sistema, di ko ma-absorb, di ko gusto. Sa mundong ginagalawan ko ngayon, di ko alam kung sinong tunay na tao. Ang labo diba?

Ito ang unang beses na hindi ko nagustuhan ang pakiramdam ng ulan sa aking balat, ang unang beses na natuyo kaagad ang pawis, unang beses na hindi mainit ang sinag ng araw.

Hindi na techinicolor ang tv, hindi na 2 parts ang text messages, hindi na sugarfree at 0 calorie ang tubig, hindi na malamig ang shake, hindi na 12 kundi 9 ang taning ni Cinderella,

hindi na matapang ang kape.




Nagtangkang sabihin lang kung ano ang nasa isip.